HIndi ko inaakala at kelan man ay hindi pa bukas ang aking diwa tungkol sa mga anting, talandro o anumang mga banal na kagamitan. Maliban sa mga panalangin, panawag at dasal na turo ng simbahang katoliko at ang panalangin na itinuro sa akin ng pinakauna kong maestro ay wala na akong alam pa na iba.
Kung iisipin ay napaskawerte ko o siguro ay kaloob na rin ng Diyos at ng mga banal na mga espirito na mapasama ako sa talakayan ng grupo ng mga taong masasabi kong may malawak na na mga kaalaman at karunungang lihim. Doon ko nakilala ang Infinito at Infinita, Si San Benito, Mga Testamento at ang iba pa at ang kakayahan ng mga ito na manggamot, magprotekta at tulong sa atin sa lahat ng oras at sa lahat ng lugar at syempre pa ang mga kasamahan ko sa blog na nagpapalawak at nagdagdag ng aking kaalaman.
Mabilis ang pag-angat ng aking nalalaman at nadarama ko ang paglakas ng aking enerhiya kasama na ang lalong tumibay pa ang panampalataya ko sa Amang Makapangyarihan sa Lahat kaya mula sa pangalang BAGONG SIBOL pinakilala ko ang aking katauhan bilang si NEKROS. Natuon ang pansin ko hindi lamang sa isang bagay kundi nabuksan pa ang isa, dalawa, tatlo....(and counting) pa na mga kaalaman ng lihim at kapangyarihan ng Diyos. Tama, nagkainteres ako dahil alam kong hindi naman ito kumokontra sa aking dating paniniwala at lalo pang nag-aalab sa aking puso ang apoy ng walang katapusang pagtuklas at pangangalkal ng unawa at impormasyon. Dito nagpatibay din ang pananalig ko sa SANCTAM ECCLESIAM CATHOLICAM. Kung meron ngang kakulangan ang kanilang itinuro dahil ang iba nga ay nakatago paano na kaya ang ibang sekta na humiwalay dito.
Dito na ngayon nagsimula ang pagkakilanlan ko sa iba't-ibang maestro na mga matatanda at ang samut-saring mga dasal at ora na mga regalo nila sa akin. Masaya ako lalong-lalo na at halos kumpleto ang kanilang pagkabigay at nakikita ko ang busilak ng kanilang pagbibigay sa kanilang damdamin. Kasama na rin dito ang mga pankwentas, talandro, chaleco, libro, habak, bote at ang kabanl-banalang bibliyang tagalog bersyon ni Haring Santiago kung saan naglalaman pa dito ang mga tagong pangalan ng DIYOS. Ang lahat na ito ay pangprotekta ko sa aking sarili pisikal man o espritwal at may kunting tira din syempre kasama na yun. GOD PROMISED ME, HE WILL BLESS THOSE WHO BLESSED ME AND CURSE THOSE WHO CURSED ME.
Sa paglakad ng panahon, nainspired ako sa mga kasamahan ko sa blog sa kaloob ng Diyos sa kanila na manggamot. Kung sa pisikal lang man na sakit ay masasabi kong makakatulong ako pero sa mga espiritwal na kaguluhan ay gustohin ko mang makatulong pero hanggang sa dasal lang sa biktima ang nagagawa ko lalong-lao na pag kinulam na ang tao.
Tayong lahat na mga Kristyano ay naniniwala na tayo ay binubuo ng materyal na katawan, (physical), kaluluwa (etheric soul) at espritwal (divinity). Naalala ko ang aral ng isang maestro ko noon, "bago ko ka magpalakas ng iyong espiritwal ay ihanda mo muna ang iyong katawan at kaluluwa." Sa ngayon pinatili ko ang ko ang lakas ng aking katawan sa regular na pag-eehersisyo, kasama na rin ang pagpapanatili na maging mahinahon sa araw-araw hangga't maari. Sabi nga nila HEALTHY BODY MAKES A HEALTHY MIND AND A HEALTHY MIND THINKS GOD.
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.