ANG NUNONG JOSE AT ANG ALAMAT NI NEKROS-part 2
Labis-labis ang galit ng mga rebeldeng NPA at hindi nila matyempuhan si lolo jose. Kaya isang umaga habang nagpapahinga ang matanda sa kaniyang bakuran basta na lang siya nilapitan at hinuli ng mga rebelde. HIndi na nakapalag pa ang matanda bagkus sinabi na lang na "ASA MAN KO NINYO DALHON? UNSA MAY SALA NAKO SA INYOHA?"(SAAN NYO BA AKO DADALHIN? ANO BA ANG KASALANANG NAGAWA KO SA INYO"). Saka ginapos nila ang matanda sa harap mismo ng kanyang bakuran.
Ginapos po nila ang matanda ng walang kalaban-laban sa isang kahoy na pa-krus habang nagtipon sila ng mga patay na kahoy para sunugin ang matanda sa harap pa ng mga rebelde at dun pa mismo sa kanyang bakuran. Ang mga taumbayan naman ay walang nagawa habang sinisindihan nila ng apoy ang matanda. Ang scenario po ay parang katulad ng ginagawa ng mga tao sa Europa kapag may nahuli silang witch. May mga bata pa nga nakakakita na nakakakilala din sa matanda at umagos ang kanilang mga luha kasama ang buoung sambayanan.
Habang palaki ng palaki ang apoy ay kitang-kita ng mga tao ang unti-unting pagkatunaw ng matanda at ang hiyaw ng isang pagmamakaawa. Sa laki at init ng apoy hindi pa inabot ng isang oras at natunaw ang kanyang murang katawan. Ang amoy ng isang sinugbang tao ay pumapailinlang sa boung lugar. Nang matiyak na ng mga rebelde na sunog at patay na ang matanda.
HIndi pa masyado nakalayo ang mga NPA ay nakarinig sila ng isang sitsit (whistle) hinahanap nila ito sa pag-aakalang taumbayan o di kaya'y may paparating na mga sundalo. At ng kanilang makita ang sitsit ito ay nagmula sa itaas ng punong niyog...doon nila nakita si lolo jose na may hawak-hawak na buko at sabi'y "ASA NAMAN MO PADULONG? DALI MANGINOM TA NINYO UG BOTONG? "SAAAN BA ANG PUNTA NYO, PANHIKK KAYO AT MAG INUMAN TAYO NG BUKO".
Sa pagkakita'y wala ng tanong-tanong pa at karipas na ng takbo ang mga rebeldeng NPA.
Ito ay isang matandang kaalaman ng lihim ng karunungan at hindi ito tago sa mga taga dito at sa mga mindanaoan na nag-aaral ng lihim. Ito ay iilan lamang sa kakayahan ng matanda. Ang matandang ito ngayon ay buhay pa ngunit sa katandaan ay hindi na nga lang makapaglalakbay pa ngunit sya ay nananahan sa isang magarang bahay dito sa mindanao at nakakausap pa ng matuwid
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.