This blog is a serious effort to help others realize that they have within them the birthless, deathless spirit that has always been and will always be. The author expects seriousness and sincerity from the reader. He expects that co-operation that the believer should at all times be ready to extend. If,however, you are prone to mock at man’s serious duty. If you expect to be entertained, amused or beguiled, my best advice is that you read no further. Close this page, for there will be no joy in it for you. But, if you have faith; if you believe in the Divinity of Humankind, if you believe in the joys of life eternal, if the Celestial symphony sings in your heart.

READ ON. THE TRUTH IS FOR YOU.


Tuesday, January 11, 2011

kwentong nekromansya

Ang kwento pong ito ay hango po sa tunay na karanasan, ang pulis na inyong nabasa ay kapatid ng nagkwento nito sa akin na direktang sinabi sa kanya ng mga taong nakasaksi at mga kasamahan nyang pulis:

Minglanilla, Cebu City.
     Isang pulis sa sa lugar na ito ay kilala sa panghuhuli ng mga matitinik na kriminal sa isla ng Cebu. Ayon sa pulisya sya ang kinukuha sa pagreresponde kapag ang salarin ay isang magaling na lalake o may dala ring anting. May kilabot po na holdaper at kriminal na nakorner ang mga alagad ng pulis. Labis na kasiyahan po ng mga pulis sapagkat marami na itong rekord at reklamo sa kanila. Nang makorner na nila ay nanlaban pa rin ito at nakipagbarilan sa kanila. Ilan sa mga pulis ay may tama na ng baril ngunit ang salarin kahit anong tama pa ng bala ay tatalbog lamang ang mga bala sa kanyang katawan at sa harap pa nila mismo ito ay nakatawa lang at naglalakad sa mga dahon ng matataas na talahib, nakatuntong din ito sa mga maliliit na sanga at maging sa mga dahon.
     Nabatid ng mga pulisya na ito’y may dalang pangkaraniwan sa katawan kaya syempre tinawagan nila ang ating bida isang PULIS din kapatid ng nagkwento sa akin. Nagsing-abot silang magagaling at nagpalitan ng putok. Nakacover sa isang semento ang PULIS habang nakacover at nakadapa naman ang SALARIN sa ipon ng mga graba sa lugar na iyon. Nang malaman ng salarin na hindi tinatablan ang kanyang kalaban ay hinubad nito ang kanyang damit at nakita ng mga ao ang kakaiba nyang sout na chaleco bilang pag counter attack sa ginawa ng kalaban ay hinubad din ng pulis ang kanyang uniporme at lumntad sa mga tao ang kanyang kakaiba ding chaleco. At silay nagpalitan ng putok ang dalawa ngunit umusok lamang ang mga katawan nilang dalawa at pareho na hindi tinatablan.
     Labis na pagkamangha ang mga taumbayan para silang nakapanood ng pelikula ni RAMON REVILLA, hehehe!! Nakita ng pulis na parang walang nangyayari sa kanilang bakbakan at parang nag-aaksaya lang siya ng bala. Kaya nakapagdesisyon na ang pulis na gamitin na nya ang huli nyang pangontra nito. Sinigawan nya ang salarin at sinabi na ‘KUNG TINUOOD NGA GAMHANAN KA NGA TAO, GAWAS DINHA SA IMONG GITAGUAN UG PINUSILAY TA NGA WALAY LIKAYAY" na ang ibig sabihin ay "KUNG TOTOONG MAY KAPANGYARIHAN KA AY LUMABAS KA AT MAGBARILAN TAYO NG WALANG KUBLIAN".
     Habang nakipag-usap ang pulis ay kinuha nya ang TUWAY ng tao sa loob ng kanyang pantalon at pinangkiskis nya sa bukana ng kanyang baril. Naunang tumayo ang pulis sa kanyang pagkakatago at nang tumayo din ang salarin at pinaputukan kaagad ito ng pulis. At sa pagkakataong iyon, parang puno ng saging na natumba at namatay ang salarin. Nakabulagta ito at nagkalat ang dugo sa kanyang katawan.
     Sadya ngang napakahiwaga ang bawat kapangyarihan ngunit sa huli kailanman ang kasamaan ay hindi mananaig laban sa kabutihan.

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.