This blog is a serious effort to help others realize that they have within them the birthless, deathless spirit that has always been and will always be. The author expects seriousness and sincerity from the reader. He expects that co-operation that the believer should at all times be ready to extend. If,however, you are prone to mock at man’s serious duty. If you expect to be entertained, amused or beguiled, my best advice is that you read no further. Close this page, for there will be no joy in it for you. But, if you have faith; if you believe in the Divinity of Humankind, if you believe in the joys of life eternal, if the Celestial symphony sings in your heart.

READ ON. THE TRUTH IS FOR YOU.


Monday, January 17, 2011

ANG PAGSINDI NG KANDILA--- ikalawang bahagi

                Ang ITIM NA KANDILA ay nagiging karaniwan din sa panahong una para naman sa masamang ispirito o sa mga taong gumagawa ng kapahamakan sa kanilang mga kapwa. Ang itim na kandila ay sinasabing mabisa sa panahong iyon, sapagkat maging  ang masamang pangitain sa kanilang buhay ay naiiwasan nila sa pamamagitan ng pagsisindi nito sa isang kulong na kwarto at nag-uukol sila ng isang taimtim na dalangin na nagpapahiwatig ng kanilang kaligtasan. Nagiging mabisa din ito sa kaligtasan sa hinaharap na kabiguan sa negosyo, pag-ibig sa masamang impluwensya sa kapwa.
\            
            Ang BERDENG KANDILA ay nauukol naman sa pananalapi. Ito ay nag papahiwatig ng pangkasaganahan. Ang pamamaraan ng pagsindi nito ay kailangan di sa isang kulong na kwarto. Mag lagay sa isang mesa ng dalwang sisindihang kandila at mag lagay sa gitna noon ng salaping nais mong bilangin. Kung ang salaping inilagay mo ipalagay na SAMPUNG PISO. Bilangin ito ng mula piso hanggang sampu nang sampung beses at gawin din ito ng sunod- sunod sa loob ng sampong araw hanggang sa matanim sa iyong isipan ang halagang binibilang mo, at matitiyak mo na ang binibilang mong pera ay siya ring tubong ibibigay sa itong negosyo sa bawat araw. Ito`y karaniwang ginagawa ng mga negosyante lalo na`t nagtatamo sila ng sunod-sunod na pagkalugi sa kanilang negosyo.

                PULANG KANDILA. Ang pulang kandila ay nauukol sa pag-ibig at pagmamahaalan. Ang isang nabibigo sa pag-ibig noong unang panahon una ay gumagamit niti at sila`y nag tatagumpay . Ganiti ang pamamaraan: Magsindi ng dalawang kandilang pula. Ito ay kulonng ding silid at kailangang nag-iisa ka lamang. Habang na uupos ang kandiila ay itanim mo sa iyong ispan mong iniibig ka ng babaing bumigo sa iyo ilarawan mo sa iyong isipang nagmamahalan kayo hanggang sa maubos ang sinisindihan mong kandila. Gagawin mo ito sa loob lamang ilang suno-sunod na araw at makatitiyak kang ang babaing bumigo sa iyong pag-ibig ay mag babago sa kanyang pasiya at babawiin nya ang kanyang sinabi.

                DILAW NA KANDILA. Ang dilaw naman na kandila ay nauukol naman sa kawalan ng trabaho. Kung nais mong mapasok sa isang pagawaanay magagawa mo ito. Magsindi ka ng dalawang dilaw na kandila at ipatong mo ito sa isang mesa at mag kulong ka sa isang silid. Gawin mo ito sa loob ng kalahating oras habang inuulit-ulit mo ang pagdasal sa 91 Psalm. (Ito ay makikita sa banal na kasulatan) Gagawin mo ito sa loob ng isang lingo nang araw-araw at makatitiyak kang matatanggap ka sa tanggapang nais mong pasukan.

                ASUL NA KANDILA: Ang kulay asul na kandila ay nauukol sa layunin, kaibigan at para ka purihin o makilala ang iyong katangian. Ang pagsisindi ng dalawang asul na kandila sa loob ng iyong silid ay magbibigay sa iyo ng katuparan sa pakikipagkaibigan, pagkatupad ng iyong layunin pangkapwa o upang ang katangian mong hindi pinapansin ng iyong pinapasukan o panginoon o kaya`y babaing malapit sa iyong pusoay mapuna naman. Ang pagsasagawa nito ay kailangan din sa loob ng iyong kwarto. At habang nagsisindi ka ng kandila ay iwalay mo sa iyong isipan ang sama ng loob at lagi mong iisipin na nais kang maging kaibigan ng taong nagiging malayo sa iyo. (kung ito ang iyong suliranin) at makatitiyak kang kinabukasan din ang taong ayaw pumansin sa iyo ay magbabago ng ugali ganito din ang iyong gawin ku g nais mong mapansin o mapuri ka ng iyong amo.

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.