Ang pagsindi ng kandila para sa pag-ibig, salapi , trabaho o upang maligtas ka sa masamang ispiritu ay isa ng matandang pamamaraan. At magaing sa kasalukuyan ang pamamaraang ito ay palasak na palasak na sa buong.
Marami rin ang nagsisindi ng kandila o nag susunog ng insenso para sa kaluluwa ng kanilang mga mahal sa buhay. Binubigyan nila ng kataimtiman ang kanilang mga dalangin pamamagitan ng pag sunog ng mga insenso at pagsisindi ng kandila.
Subalit kung iisipin lamang natinna ang dalawang kandila ay siyang pinakamabisang kasangkapan para sa kaganapan ng pagninilay o kunsintrasyon ay saka lang naman natin mauunawaan ang kahalagahan nito.
Ang pagsisindi ng dalawang kandila sa loob sa loob ng isang kulong na kwarto ay siyang pinakamabisaang paraan upang magkaroon ng kaganapan ang iyong layunin. Ang dalawang kandila ay napakalaking tulong upang ang lahat ng mga laman ng iyong isipan, suliranin ay ganap na maging laho upang maging ganap ang kunsintrasyon mo sa bagay na iyong iniisip. Ang ganap na paninilay ay siyang daan upang magkaroon ng katuparan ang lahat ng bagay na nais mong mangyari.
Ang puting kandila ay nauukol sa pangrelihiyon o paniniwala ng tao sa kanyang pinaniniwalaang Diyos. Sinisindihan ito upang ang konsintrasyaonsa pananalangin sa kaligtasan ng isang kaluluwang pinaguukulan ay maging ganap. Ginagamit din ito upang makaiwas ang isang tao sa takot o sa katuparan ng kanilang minimithi sa buhay.
Ginagamit din ang puting kandila sa pasasalamat sa mga taong nagtagumpay sa kanilang mga hanapbuhay. Sa pagpapamisa ng isang kaluluwang yumaon na upang makatiyak na ang nasabing kaluluwa ay mabigyan ng kapatawaran at makaakyat sa langit. Ginagamit din ito sa pangkaisipan, upang ang kinauukulanay magkaroon ng mabuting memorya kaya`t hinihiling nila sa kanilang pinaniniwalaang Diyos na ipadama iyon o ipagkaloob sa kanila para sa lalong ikapapanuto ng kanilang buhay.
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.