This blog is a serious effort to help others realize that they have within them the birthless, deathless spirit that has always been and will always be. The author expects seriousness and sincerity from the reader. He expects that co-operation that the believer should at all times be ready to extend. If,however, you are prone to mock at man’s serious duty. If you expect to be entertained, amused or beguiled, my best advice is that you read no further. Close this page, for there will be no joy in it for you. But, if you have faith; if you believe in the Divinity of Humankind, if you believe in the joys of life eternal, if the Celestial symphony sings in your heart.

READ ON. THE TRUTH IS FOR YOU.


Wednesday, January 19, 2011

Panalangin Para Sa Infinito Diyos


isang pagdedebosyon..
                               
                                                                        DIGNUM
                                                        MITAM MICAM MAGNUM
                                                                         HUM +
                                                                  “MELACION”
                                           MELACION  BALGARAM  IN  CAMANUM
                                             CALARAM  PATER  UBNIBUS  COABIT
                                           AETERNAM  FUNDETOR  MUNDI  DEUS;
                                       AETERNAM  ET  NUN  VESTRUM  SECRETUM
                                            UMALE  DEYE  PERSECUAMOR  SANCTI
                                                                    AMEN.+

                                                                     “AVE CANIDUM”
                                             AVE  CANIDUM  LILIUM  FULGIDAE  SAMPER
                                          QUE  TRANQUILLAE  TRINITATIS  ROSA  QUE
                                          FRAE  FULGIDA  COELICAE  AMEINITATIS  DE
                                            GUA  NOS  CI  ET  DE  CUJUS  LACTE  REX
                                           CAELORUM VOLUIT DIVINIS IN FLUXIUNIBUS
                                           ANIMAS  NOSTRAS  PASCE  –  AVE  GRATIA
                                              PLENA DOMINUS TECUM CONGREGATIO. +
                                                                                  A.M.E.N.
                                                                 ADONAY MEL ECH NAMEN


Monday, January 17, 2011

ANG PAGSINDI NG KANDILA--- ikalawang bahagi

                Ang ITIM NA KANDILA ay nagiging karaniwan din sa panahong una para naman sa masamang ispirito o sa mga taong gumagawa ng kapahamakan sa kanilang mga kapwa. Ang itim na kandila ay sinasabing mabisa sa panahong iyon, sapagkat maging  ang masamang pangitain sa kanilang buhay ay naiiwasan nila sa pamamagitan ng pagsisindi nito sa isang kulong na kwarto at nag-uukol sila ng isang taimtim na dalangin na nagpapahiwatig ng kanilang kaligtasan. Nagiging mabisa din ito sa kaligtasan sa hinaharap na kabiguan sa negosyo, pag-ibig sa masamang impluwensya sa kapwa.
\            
            Ang BERDENG KANDILA ay nauukol naman sa pananalapi. Ito ay nag papahiwatig ng pangkasaganahan. Ang pamamaraan ng pagsindi nito ay kailangan di sa isang kulong na kwarto. Mag lagay sa isang mesa ng dalwang sisindihang kandila at mag lagay sa gitna noon ng salaping nais mong bilangin. Kung ang salaping inilagay mo ipalagay na SAMPUNG PISO. Bilangin ito ng mula piso hanggang sampu nang sampung beses at gawin din ito ng sunod- sunod sa loob ng sampong araw hanggang sa matanim sa iyong isipan ang halagang binibilang mo, at matitiyak mo na ang binibilang mong pera ay siya ring tubong ibibigay sa itong negosyo sa bawat araw. Ito`y karaniwang ginagawa ng mga negosyante lalo na`t nagtatamo sila ng sunod-sunod na pagkalugi sa kanilang negosyo.

                PULANG KANDILA. Ang pulang kandila ay nauukol sa pag-ibig at pagmamahaalan. Ang isang nabibigo sa pag-ibig noong unang panahon una ay gumagamit niti at sila`y nag tatagumpay . Ganiti ang pamamaraan: Magsindi ng dalawang kandilang pula. Ito ay kulonng ding silid at kailangang nag-iisa ka lamang. Habang na uupos ang kandiila ay itanim mo sa iyong ispan mong iniibig ka ng babaing bumigo sa iyo ilarawan mo sa iyong isipang nagmamahalan kayo hanggang sa maubos ang sinisindihan mong kandila. Gagawin mo ito sa loob lamang ilang suno-sunod na araw at makatitiyak kang ang babaing bumigo sa iyong pag-ibig ay mag babago sa kanyang pasiya at babawiin nya ang kanyang sinabi.

                DILAW NA KANDILA. Ang dilaw naman na kandila ay nauukol naman sa kawalan ng trabaho. Kung nais mong mapasok sa isang pagawaanay magagawa mo ito. Magsindi ka ng dalawang dilaw na kandila at ipatong mo ito sa isang mesa at mag kulong ka sa isang silid. Gawin mo ito sa loob ng kalahating oras habang inuulit-ulit mo ang pagdasal sa 91 Psalm. (Ito ay makikita sa banal na kasulatan) Gagawin mo ito sa loob ng isang lingo nang araw-araw at makatitiyak kang matatanggap ka sa tanggapang nais mong pasukan.

                ASUL NA KANDILA: Ang kulay asul na kandila ay nauukol sa layunin, kaibigan at para ka purihin o makilala ang iyong katangian. Ang pagsisindi ng dalawang asul na kandila sa loob ng iyong silid ay magbibigay sa iyo ng katuparan sa pakikipagkaibigan, pagkatupad ng iyong layunin pangkapwa o upang ang katangian mong hindi pinapansin ng iyong pinapasukan o panginoon o kaya`y babaing malapit sa iyong pusoay mapuna naman. Ang pagsasagawa nito ay kailangan din sa loob ng iyong kwarto. At habang nagsisindi ka ng kandila ay iwalay mo sa iyong isipan ang sama ng loob at lagi mong iisipin na nais kang maging kaibigan ng taong nagiging malayo sa iyo. (kung ito ang iyong suliranin) at makatitiyak kang kinabukasan din ang taong ayaw pumansin sa iyo ay magbabago ng ugali ganito din ang iyong gawin ku g nais mong mapansin o mapuri ka ng iyong amo.

Thursday, January 13, 2011

ANG PAGSINDI NG KANDILA part 1

               Ang pagsindi ng kandila para sa pag-ibig, salapi , trabaho o upang maligtas ka sa masamang ispiritu ay isa ng matandang pamamaraan. At magaing sa kasalukuyan ang pamamaraang ito ay palasak na palasak na sa buong.

                Marami rin ang nagsisindi ng kandila o nag susunog ng insenso para sa kaluluwa ng kanilang mga mahal sa buhay. Binubigyan nila ng kataimtiman ang kanilang mga dalangin pamamagitan ng pag sunog ng mga insenso at pagsisindi ng kandila.

                Subalit kung iisipin lamang natinna ang dalawang kandila ay siyang pinakamabisang kasangkapan para sa kaganapan ng pagninilay o kunsintrasyon ay saka lang naman natin mauunawaan ang kahalagahan nito.
                Ang pagsisindi ng dalawang kandila sa loob  sa loob ng isang kulong na kwarto ay siyang pinakamabisaang paraan upang magkaroon ng kaganapan ang iyong layunin. Ang dalawang kandila ay napakalaking tulong upang ang lahat ng mga laman ng iyong isipan, suliranin ay ganap na maging laho upang maging ganap ang kunsintrasyon mo sa bagay na iyong iniisip. Ang ganap na paninilay ay siyang daan upang magkaroon ng katuparan ang lahat ng bagay na nais mong mangyari.

                Ang puting kandila ay nauukol sa pangrelihiyon o paniniwala ng tao sa kanyang pinaniniwalaang Diyos. Sinisindihan ito upang ang konsintrasyaonsa pananalangin sa kaligtasan ng isang kaluluwang pinaguukulan ay maging ganap. Ginagamit din ito upang makaiwas ang isang tao sa takot o sa katuparan ng kanilang minimithi sa buhay.

                Ginagamit din ang puting kandila sa pasasalamat sa mga taong nagtagumpay sa kanilang mga hanapbuhay. Sa pagpapamisa ng isang kaluluwang yumaon na upang makatiyak na ang nasabing kaluluwa ay mabigyan ng kapatawaran at makaakyat sa langit. Ginagamit din ito sa pangkaisipan, upang ang kinauukulanay magkaroon ng mabuting memorya kaya`t hinihiling nila sa kanilang pinaniniwalaang Diyos na ipadama iyon o ipagkaloob sa kanila para sa lalong ikapapanuto ng kanilang buhay.

Tuesday, January 11, 2011

kwentong nekromansya

Ang kwento pong ito ay hango po sa tunay na karanasan, ang pulis na inyong nabasa ay kapatid ng nagkwento nito sa akin na direktang sinabi sa kanya ng mga taong nakasaksi at mga kasamahan nyang pulis:

Minglanilla, Cebu City.
     Isang pulis sa sa lugar na ito ay kilala sa panghuhuli ng mga matitinik na kriminal sa isla ng Cebu. Ayon sa pulisya sya ang kinukuha sa pagreresponde kapag ang salarin ay isang magaling na lalake o may dala ring anting. May kilabot po na holdaper at kriminal na nakorner ang mga alagad ng pulis. Labis na kasiyahan po ng mga pulis sapagkat marami na itong rekord at reklamo sa kanila. Nang makorner na nila ay nanlaban pa rin ito at nakipagbarilan sa kanila. Ilan sa mga pulis ay may tama na ng baril ngunit ang salarin kahit anong tama pa ng bala ay tatalbog lamang ang mga bala sa kanyang katawan at sa harap pa nila mismo ito ay nakatawa lang at naglalakad sa mga dahon ng matataas na talahib, nakatuntong din ito sa mga maliliit na sanga at maging sa mga dahon.
     Nabatid ng mga pulisya na ito’y may dalang pangkaraniwan sa katawan kaya syempre tinawagan nila ang ating bida isang PULIS din kapatid ng nagkwento sa akin. Nagsing-abot silang magagaling at nagpalitan ng putok. Nakacover sa isang semento ang PULIS habang nakacover at nakadapa naman ang SALARIN sa ipon ng mga graba sa lugar na iyon. Nang malaman ng salarin na hindi tinatablan ang kanyang kalaban ay hinubad nito ang kanyang damit at nakita ng mga ao ang kakaiba nyang sout na chaleco bilang pag counter attack sa ginawa ng kalaban ay hinubad din ng pulis ang kanyang uniporme at lumntad sa mga tao ang kanyang kakaiba ding chaleco. At silay nagpalitan ng putok ang dalawa ngunit umusok lamang ang mga katawan nilang dalawa at pareho na hindi tinatablan.
     Labis na pagkamangha ang mga taumbayan para silang nakapanood ng pelikula ni RAMON REVILLA, hehehe!! Nakita ng pulis na parang walang nangyayari sa kanilang bakbakan at parang nag-aaksaya lang siya ng bala. Kaya nakapagdesisyon na ang pulis na gamitin na nya ang huli nyang pangontra nito. Sinigawan nya ang salarin at sinabi na ‘KUNG TINUOOD NGA GAMHANAN KA NGA TAO, GAWAS DINHA SA IMONG GITAGUAN UG PINUSILAY TA NGA WALAY LIKAYAY" na ang ibig sabihin ay "KUNG TOTOONG MAY KAPANGYARIHAN KA AY LUMABAS KA AT MAGBARILAN TAYO NG WALANG KUBLIAN".
     Habang nakipag-usap ang pulis ay kinuha nya ang TUWAY ng tao sa loob ng kanyang pantalon at pinangkiskis nya sa bukana ng kanyang baril. Naunang tumayo ang pulis sa kanyang pagkakatago at nang tumayo din ang salarin at pinaputukan kaagad ito ng pulis. At sa pagkakataong iyon, parang puno ng saging na natumba at namatay ang salarin. Nakabulagta ito at nagkalat ang dugo sa kanyang katawan.
     Sadya ngang napakahiwaga ang bawat kapangyarihan ngunit sa huli kailanman ang kasamaan ay hindi mananaig laban sa kabutihan.

Monday, January 10, 2011


ANG NUNONG JOSE AT ANG ALAMAT NI NEKROS-part 2
Labis-labis ang galit ng mga rebeldeng NPA at hindi nila matyempuhan si lolo jose. Kaya isang umaga habang nagpapahinga ang matanda sa kaniyang bakuran basta na lang siya nilapitan at hinuli ng mga rebelde. HIndi na nakapalag pa ang matanda bagkus sinabi na lang na "ASA MAN KO NINYO DALHON? UNSA MAY SALA NAKO SA INYOHA?"(SAAN NYO BA AKO DADALHIN? ANO BA ANG KASALANANG NAGAWA KO SA INYO"). Saka ginapos nila ang matanda sa harap mismo ng kanyang bakuran.
Ginapos po nila ang matanda ng walang kalaban-laban sa isang kahoy na pa-krus habang nagtipon sila ng mga patay na kahoy para sunugin ang matanda sa harap pa ng mga rebelde at dun pa mismo sa kanyang bakuran. Ang mga taumbayan naman ay walang nagawa habang sinisindihan nila ng apoy ang matanda. Ang scenario po ay parang katulad ng ginagawa ng mga tao sa Europa kapag may nahuli silang witch. May mga bata pa nga nakakakita na nakakakilala din sa matanda at umagos ang kanilang mga luha kasama ang buoung sambayanan.
Habang palaki ng palaki ang apoy ay kitang-kita ng mga tao ang unti-unting pagkatunaw ng matanda at ang hiyaw ng isang pagmamakaawa. Sa laki at init ng apoy hindi pa inabot ng isang oras  at natunaw ang kanyang murang katawan. Ang amoy ng isang sinugbang tao ay pumapailinlang sa boung lugar. Nang matiyak na ng mga rebelde na sunog at patay na ang matanda.
HIndi pa masyado nakalayo ang mga NPA ay nakarinig sila ng isang sitsit (whistle) hinahanap nila ito sa pag-aakalang taumbayan o di kaya'y may paparating na mga sundalo. At ng kanilang makita ang sitsit ito ay nagmula sa itaas ng punong niyog...doon nila nakita si lolo jose na may hawak-hawak na buko at sabi'y "ASA NAMAN MO PADULONG? DALI MANGINOM TA NINYO UG BOTONG? "SAAAN BA ANG PUNTA NYO, PANHIKK KAYO AT MAG INUMAN TAYO NG BUKO".
Sa pagkakita'y wala ng tanong-tanong pa at karipas na ng takbo ang mga rebeldeng NPA.
Ito ay isang matandang kaalaman ng lihim ng karunungan at hindi ito tago sa mga taga dito at sa mga mindanaoan na nag-aaral ng lihim. Ito ay iilan lamang sa kakayahan ng matanda. Ang matandang ito ngayon ay buhay pa ngunit sa katandaan ay hindi na nga lang makapaglalakbay pa ngunit sya ay nananahan sa isang magarang bahay dito sa mindanao at nakakausap pa ng matuwid

Sunday, January 9, 2011

MASTER EGO


      HIndi ko inaakala at kelan man ay hindi pa bukas ang aking diwa tungkol sa mga anting, talandro o anumang mga banal na kagamitan. Maliban sa mga panalangin, panawag at dasal na turo ng simbahang katoliko at ang panalangin na itinuro sa akin ng pinakauna kong maestro ay wala na akong alam pa na iba.
      Kung iisipin ay napaskawerte ko o siguro ay kaloob na rin ng Diyos at ng mga banal na mga espirito na mapasama ako sa talakayan ng grupo ng mga taong masasabi kong may malawak na na mga kaalaman at karunungang lihim. Doon ko nakilala ang Infinito at Infinita, Si San Benito, Mga Testamento at ang iba pa at ang kakayahan ng mga ito na manggamot, magprotekta at tulong sa atin sa lahat ng oras at sa lahat ng lugar at syempre pa ang mga kasamahan ko sa blog na nagpapalawak at nagdagdag ng aking kaalaman.
       Mabilis ang pag-angat ng aking nalalaman at nadarama ko ang paglakas ng aking enerhiya kasama na ang lalong tumibay pa ang panampalataya ko sa Amang Makapangyarihan sa Lahat kaya mula sa pangalang BAGONG SIBOL pinakilala ko ang aking katauhan bilang si NEKROS. Natuon ang pansin ko hindi lamang sa isang bagay kundi nabuksan pa ang isa, dalawa, tatlo....(and counting) pa na mga kaalaman ng lihim at kapangyarihan ng Diyos. Tama, nagkainteres ako dahil alam kong hindi naman ito kumokontra sa aking dating paniniwala at lalo pang nag-aalab sa aking puso ang apoy ng walang katapusang pagtuklas at pangangalkal ng unawa at impormasyon. Dito nagpatibay din ang pananalig ko sa SANCTAM ECCLESIAM CATHOLICAM. Kung meron ngang kakulangan ang kanilang itinuro dahil ang iba nga ay nakatago paano na kaya ang ibang sekta na humiwalay dito.
       Dito na ngayon nagsimula ang pagkakilanlan ko sa iba't-ibang maestro na mga matatanda at ang samut-saring mga dasal at ora na mga regalo nila sa akin. Masaya ako lalong-lalo na at halos kumpleto ang kanilang pagkabigay at nakikita ko ang busilak ng kanilang pagbibigay sa kanilang damdamin. Kasama na rin dito ang mga pankwentas, talandro, chaleco, libro, habak, bote at ang kabanl-banalang bibliyang tagalog bersyon ni Haring Santiago kung saan naglalaman pa dito ang mga tagong pangalan ng DIYOS. Ang lahat na ito ay pangprotekta ko sa aking sarili pisikal man o espritwal at may kunting tira din syempre kasama na yun. GOD PROMISED ME, HE WILL BLESS THOSE WHO BLESSED ME AND CURSE THOSE WHO CURSED ME.
       Sa paglakad ng panahon, nainspired ako sa mga kasamahan ko sa blog sa kaloob ng Diyos sa kanila na manggamot. Kung sa pisikal lang man na sakit ay masasabi kong makakatulong ako pero sa mga espiritwal na kaguluhan ay gustohin ko mang makatulong pero hanggang sa dasal lang sa biktima ang nagagawa ko lalong-lao na pag kinulam na ang tao.
       Tayong lahat na mga Kristyano ay naniniwala na tayo ay binubuo ng materyal na katawan, (physical), kaluluwa (etheric soul) at espritwal (divinity). Naalala ko ang aral ng isang maestro ko noon, "bago ko ka magpalakas ng iyong espiritwal ay ihanda mo muna ang iyong katawan at kaluluwa." Sa ngayon pinatili ko ang ko ang lakas ng aking katawan sa regular na pag-eehersisyo, kasama na rin ang pagpapanatili na maging mahinahon sa araw-araw hangga't maari. Sabi nga nila HEALTHY BODY MAKES A HEALTHY MIND AND A HEALTHY MIND THINKS GOD.

Saturday, January 8, 2011


          Mga Giliw kong bisita ito po ang topic natin sa buwang ito. Kung meron po kayong kaalaman o kahit anong impormasyon na maibahagi sa talandrong ito ay inaanyahan ko po kayo na magkomento sa guestbook kung ORA naman po ay mas lalong OK at pag maselan naman ay pwede nyo na rin pong i-PM sa akin. Ang mga bagay pong ito ay hindi nawa isa-isip na nakakasalaula ng mga banal na gamit bagkus ito ay isa sa pamaraan ng pagpapalawig pa ng ating kaalaman sa bawat isa. Sapagkat kahit aino  man sa atin ay walang karapatang umamin na nasa atin na ang lahat ng karunungan.
Maraming salamat po.

Friday, January 7, 2011

Ako si NEKROS

     Sa mga susunod na postings na makikita nyo sa blog ko ay ang pagpapakilala ko sa aking sarili. Marahil dumating na ang tamang oras para ihayag ko ang pagkato na nasa kinalob-loban ko at ang dahilan kung bakit ako nabuhay.
     Isa sa mga mAestro ko ang nagsabi na ang nuhay ko ay isang pagpapatuloy ko sa isang naudlot na misyon ko sa nakaraang buhay, Ang master ego ko o ang tinatawag na "SARILI" ko ay nagsasaad ng CONTINUATION. Kaya akin na po ngayong pinipili ang mga taong nakakabasa nito.
     Sa bisa at galaw po ng aking mga gabay na espirito na kung kayo man ay napagawi na makabasa sa blog na ito ay dahil po kayo ay nararapat na makabasa nito.
     Sa pinakamataas at pinakamakapangyarihan na PANGALAN ng aking Diyos Ama sa pagkakaisa ng Banal na Espirito at sa gabay ng lahat ng mga hari at hukom, patriyarka at mga propeta, arkanghel at mga anghel, martires at konpesores, ng mga santo at mga santa sa langit at sa lupa man at lahat ng mga banal na espirito. Naway ang kapayapaan at karunungan at sasaatin ngayon at magpakailanman.

DONA NOBIS PACEM....