ang sumusunod po na post ay naipost ko na ito noon sa huli kong blog na sa windows live. Ito yung sinasabi ko na paglitaw ng isang himalang papel. At sa eksaktong isang taon po, this february 2011, ay pinapaintindi sa akin sa pamamagitan ng isang panaginip ang mga pangalan ng mga dakilang espirito na nakasulat dito. Ang iilan naman sa mga misteryo sa likod nito ay pinapakita sa akin na parang movie sa pamamagitan pa rin ng panaginip.
pre-kwaresma
Noong unang miyerkules hanggang byernes po ng buwang ito. Sa bisa ng aking gawain kada unang biyernes ng buwan ay ginanap ko po ang food-fasting ng 3 days. Mahalaga para sa akin ang araw na ito dahil ito ang anniversary din ng pinakaunang food-fasting ko noon. First time ko itong ginawa na nandito ako sa Luzon at syempre doon sa quiapo ako nagspend ng time sa panghuling araw ng pag aayuno.
Everything went fine sa tulong ng mga dakilang espirito at ng Amang makapangyarihan sa lahat ay natapos ko na naman ang pangbuwanang gawain ko. Pero hindi pa nagtatapos ang pagpaparamdam sa akin ng aking mga kaibigang espirito na sa aking akala ay normal na pagfood-fasting lang yaon. Nagdaan na ang sabado at linggo ngunit pagdating ng martes ng umaga. Pagdating ko mula sa pagsisimba sa umagang yaon sa makati kung saan ako nakatuloy ngayon ay tumambad sa aking kwarto ang isang papel (long-sized bondpaper) ngunit kaiba ito sa lahat dahil ito ay napupuno ng mga salitang latin.
HIndi ko alam kung ako’y matuwa o mangilabot sa bagay na lumapit sa akin. Mas nangilabot pa nga ako dito kaysa pagpasok ko sa mga sementeryo. Sapagkat wala naman ibang pwedeng maglagay ng ganun dun sa kwarto at ako lang naman ang pwedeng manghalukay ng mga gamit ko sa aking kwarto.
Binasa ko ang laman ng papel. Binubuo ito ng iba’t-ibang pangalan ng mga banal na tao at mga tago at banal na pangalan ng DIYOS.
Binasa ko ang laman ng papel. Binubuo ito ng iba’t-ibang pangalan ng mga banal na tao at mga tago at banal na pangalan ng DIYOS.
Wala lang, share ko lang ito sa inyo. Sulat ko na rin dito para pagtanda ko may mababasa din ako. Nasa Quiapo po ako every friday hangga’t hindi pa po dumating yung visa ko.
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.