Nang mag usap si Jesus at ang Birheng Maria ay narinig ng isang santo na si San Mateo ang pag uusap ng mag-ina. Ang sabi ni Jesus sa ina ay ganito:
Ina mula ng ako’y magkatawaang tao sa mahal mong tiyan at ipagbuntis mo ng siyam na buwan hanggang sa mapako sa krus at ako’y malibing ay alin ang hirap mong dinadamdam sa lahat?
Ang sagot ng Mahal na Birhen ay ganito:
Ang kauna-unahang hirap na aking dinamdam ng labis ay ng hulaan ka ni San Simeon at ipahayag sa akin ang madaling kahirapan mong sasapitin. Ang ikalawa kong hirap ay noong mawala ka ng tatlong araw na hinimatay ako doon sa lansangan ng Amargura, noong kasama ka naming magsimba sa Jerusalem-lalong-lao na nung sabihin sa akin ni Magdalena na nakikita kang nagpapalimos sa mga tindahan at walang maglimos sa iyo isa man, ay yaon pagkalugmok ko sa mga lansangan, at akoy sinakbibi ni Magdalena kaya akoy nakatindig at akoy inakay kung kaya akoy nakalakad, at pati na ang buhok ko’y nagkasabog-sabog at nagkalugay-lugay. Ang ikatlong hirap na aking tiniis ay noong ikaw ay magpaalam sa akin upang sumugba sa madlang kahirapan. Ang ikaapat na hirap ay noong makita kitang hinampas ng mga Judeo ay naglagos sa puso ko’t dibdib ang dikawasang hirap. Ang ikalimang hirap ko ay noong ikaw ay nagpasan ng krus sa mga lansangan ng Jerusalem. Ang ikaanim na hirap na aking tiniis ay noon makita kitang nakapako sa krus sa bundok ng Kalbaryo hanggang sa ikaw ay ihatid sa libingan. Ang kahuli-hulihan at walang katapusang hirap na aking dinamdam at tiiniis ay noong ikaw ay malibing na at ako ay mangulilang lubos sa iyo anak ko.
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.