This blog is a serious effort to help others realize that they have within them the birthless, deathless spirit that has always been and will always be. The author expects seriousness and sincerity from the reader. He expects that co-operation that the believer should at all times be ready to extend. If,however, you are prone to mock at man’s serious duty. If you expect to be entertained, amused or beguiled, my best advice is that you read no further. Close this page, for there will be no joy in it for you. But, if you have faith; if you believe in the Divinity of Humankind, if you believe in the joys of life eternal, if the Celestial symphony sings in your heart.

READ ON. THE TRUTH IS FOR YOU.


Wednesday, April 20, 2011

SAINT RAPHAEL THE ARCHANGEL

Ang Panalangin para kay San Rafael

Si San Rafael ang Mayordomo ng Poong Diyos kaya’t ang taglay nya ay isda at tinapay.

O kamahal-mahalang Arkanghel Rafael kagamutan ng Diyos para sa kagalingan ng mga tao sa lubos na pagpakumbaba ay pinag aamo amo naming sayo na ikaw nawa ay maging tulong at sakdalan ng lahat ng aming kailangan, at gamutin mo ang aming kaluluwa na lipos na sugat ng mga kaslanan at gamutin mo rin ang mga sakit at karamdaman ng aming lupang-katawan upang magkamit kami ng kaligayahn dito sa lupa at sa langit man, Siya Nawa.

MGA LIHIM NA KWENTO SA LIKOD NG BIBLIYA

Ang Pahayag ng ating Panginoong Hesukristo kay Santa Gertrudes ay ganito:


           Yaong ipinainom sa akin na mira at apdong mapait noong ako’y nakapako sa krus, sa mga hirap na aking tiniis noon ang sinumang Kristyano na mag ukol ng Tatlong Sumasampalataya ay tatanggap ng kapatawaran sa nagawang kasalanan. At ang sabi pa nya, ang singsng na ito Gertrudes na galling sa korona ko ay tanggapn mo at pakamahalin at iyong pakaingatan, at ang sinumang Kristyano na magdasal ng Limang Ama Namin at iukol sa aking koronang tinik ay pagkakalooban ko ng lubos na kapatawaran alang-ala sa pag aalaala nya sa mga tinik na bumaon sa aking ulo.
 

Tuesday, April 19, 2011

Ang Lihim na Pag-uusap ng Mahal na Birhen at Panginoong Hesus



Nang mag usap si Jesus at ang Birheng Maria ay narinig ng isang santo na si San Mateo ang pag uusap ng mag-ina. Ang sabi ni Jesus sa ina ay ganito:

Ina mula ng ako’y magkatawaang tao sa mahal mong tiyan at ipagbuntis mo ng siyam na buwan hanggang sa mapako sa krus at ako’y malibing ay alin ang hirap mong dinadamdam sa lahat?

Ang sagot ng Mahal na Birhen ay ganito:

Ang kauna-unahang hirap na aking dinamdam ng labis ay ng hulaan ka ni San Simeon at ipahayag sa akin ang madaling kahirapan mong sasapitin. Ang ikalawa kong hirap ay noong mawala ka ng tatlong araw na hinimatay ako doon sa lansangan ng Amargura, noong kasama ka naming magsimba sa Jerusalem-lalong-lao na nung sabihin sa akin ni Magdalena na nakikita kang nagpapalimos sa mga tindahan at walang maglimos sa iyo isa man, ay yaon pagkalugmok ko sa mga lansangan, at akoy sinakbibi ni Magdalena kaya akoy nakatindig at akoy inakay kung kaya akoy nakalakad, at pati na ang buhok ko’y nagkasabog-sabog at nagkalugay-lugay. Ang ikatlong hirap na aking tiniis ay noong ikaw ay magpaalam sa akin upang sumugba sa madlang kahirapan. Ang ikaapat na hirap ay noong makita kitang hinampas ng mga Judeo ay naglagos sa puso ko’t dibdib ang dikawasang hirap. Ang ikalimang hirap ko ay noong ikaw ay nagpasan ng krus sa mga lansangan ng Jerusalem. Ang ikaanim na hirap na aking tiniis ay noon makita kitang nakapako sa krus sa bundok ng Kalbaryo hanggang sa ikaw ay ihatid sa libingan. Ang kahuli-hulihan at walang katapusang hirap na aking dinamdam at tiiniis ay noong ikaw ay malibing na at ako ay mangulilang lubos sa iyo anak ko.

        Sukat na ina ko sa mga dalita’t hirap mong tiniis, ang sinumang Kristyano na bumati ng Tatlong Ama Namin, Tatlong Aba Ginoong Maria at Tatlong Aba Po Santa Mariang Hari, ay magkakamit ng lubos na kapatawaran sa kanyang pagkakasalang nagawa at makahahango ng labnlimang kaluluwang naghihirap sa purgaturyo at pati ng kanyang mga kamag-anak ay mahahangong lahat sa kahirapan.

Monday, April 18, 2011

Pitong Arkangheles


                                 San Gabriel Arkanghel


       Si San Gabriel ang kalihim ng pangkalahatan na pinagkatiwalaan ng Dios ng mga lihim na gawa, kaya’t ang taglay niya ay Palma at Bandila.

       O mapalad na Arkanghel San Gabriel, tanging sugo O’ embahador ng Kalakilakihang Lumalang ng sansinukob, maging sagisag ka nawa ng aming kaluluwa at mapag-adyang sandata laban sa mga hibo at tukso at yayamang kaw ang tinatawag na katibayan upang kami’y magtagumpay sa lahat naming kaaway at upang mapagtiisan ang lahat ng kahirapan dto sa lupa na baying kahapi hapis na siya naming maging hagdan ng aming pagtungo sa kaluwalhatan ng langit, Siya nawa.

Saturday, April 16, 2011

Ang Tulong at Gamit ng Semiporas


       
        Ang sinuman na may matibay na paniniwala at pananalig sa Unang Manlilikha ay kailangang manikluhod sa paghingi ng Dibinong awa at pagpapala, hindi lamang sa kanyang mga labi, ngunit sa pamamagitan rin ng banal na asal at mapagkumbabang puso, taimtim na patuloy na pagdarasal na magkaroon ng kalulwahatian ng pag iisip at maiadya ng kanyang kaluluwa ang lahat ng pagkakasala ng kanyang katawan.

       Sapagkat kung ang ating kaluluwa ay gumagalaw at nagiisiip ng sa isang bagay na makabuluhan inuutusan nito ang lahat ng bahagi ng ating katawan para ang isang gawain ay mangyayari. Samakatwid, ang ating Dakilang Manlilikha, kung Sya ay sinasamba sa pamamagitan ng espirito at katotohanan, at kung kalimutan natin ang paghingi ng mga walang kabuluhang bagay lalo na kung ang panalangin ay taimtim at mula sa puso will caused the lower order of creatures na maniwala at susunod sa kagustuhan ng tao, according to their state, order, calling (refer to Biology’s Hierarchy of Life kung saan ang tao ay nabelong sa Kingdom Animalia) sapagkat ang tao ay nilikha sa anyo na kapareho ng Diyos, and endowed with reason and working under the favor of God, at makakamit ng tao ang kanyang kagustuhan sa pamamagitan ng FAITH AND WISDOM.

       Una ay sa mga bituin at mga heavenly bodies by the rational reflections of his spirits. Ang mga taong nakakakuha nito ay nagiging bihasa at nagkakaroon ng kaalaman sa astrolohiya, remote-viewing, OBE or astral projection, clairvoyance, predictions, weather control, etc. IIlan sa mga ito ay ang mga manhuhula, maji, propeta,et.al

       Pangalawa ay mauutusan nya ang Animal Kingdom (depends upon the life in ascending order) sa pamamagitan ng kanyang mga senses. Hindi lamang sa ating mundo ngunit pati ang mundo ng mga engkanto. Ang mga taong umaabot sa kaalamang ito ay nagkakaroon ng kaalaman sa telekenisis, telepathy, engkantado, hipnotismo, potions or gayuma, atbp.

       Pangatlo ay sa pamamagitan ng mga elemento through his fourfold body. Dito ay nakokontrol at nauutusan nya ang limang elemento ng sanlibutan. Isa sa mga kaalaman ni Haring Solomon at maging si Nunong Moses at iba pang banal na mga espirito.

       Therefore, man binds all creatures through comparison, by calling upon the higher power, through the name and power which governs one thing, and thereafter through the lower things themselves, etc.

       Magagawa lamang natin ito sa pamamagitan ng pagtawag ng Kanyang Pangalan depende sa ating pangangailangan. Pero dapat muna nating matutunan na ang mga Pangalan ng Deus ay hindi pwedeng ituro at intindihin o magagamit sa ibang kawikaan ngunit sa Hebrew lamang o kayay mabanggit natin ito sa ibang language, as they were revealed to us through the grace of God. Kaya nga dapat maging maingat tayo sa pagpronounce ng mga ito. For they are the sacrament and emanation of divine omnipotence, hindi sa tao o maging sa mga anghel, cause they are instituted at kinosagrahan sa pamamagitan ng (generent) sa Diyos.

       Ang mga anghel at lahat ng mga nilikha ay ginagamit ang mga Pangalang ito sa pagpuri at pagsampalataya sa Dakilang Manlilikha, na sila ay pagpalain with the greates reverence in His divine works at kung sinuman ang tatawag nito na may takot at taimtim na pagdarasal, will be powerfully enlightened sa espirito ng Diyos-will be joined with a divne unity- will be mighty according to the will of God-na kaya niyang gumanap ng mga kababalaghan at mahimalang mga bagay-na kaya nyang mag utos ng mga anghel at demonyo, -that he can bind and unbind the things of the elements, over which he may elevate himself through the power of God.

       Kaya kung sinuman ang malinis sa harap ng Diyos at napapaunlad nya ang kanyang kaalaman at diwa, at sya na sa pamamagitan ng pananalig will become a house and dwelling place of God, and will be a partaker of divne influences.

       At ngayon kung sinuman ang mangangarap na maging bihasa at gustong matuto sa mga kilos at aral ng espirito at kaluluwa must become familiar with the order of all things, just as they are obtained by God in their proper state, mula sa matataas hanggang sa baba , through natural connections katulad ng pagbaba mo sa isang hagdanan.



       He who desires the influence of the Sun, ay hindi lamang magdarasal na nakaharap sa Araw, but he must elevate his soul-power to the soul-power of the Sun, na walang iba kundi ang Dios rin, havng previously made himself equal to God, sa pamamagitan ng pag aayuno, paglilinis ng kaluluwa at pagawa ng kabutihan.

Friday, April 15, 2011

Pitong Arkangheles

Panalangin para kay

S A N  M I G U E L

Si San Miguel ang Puno ng lahat, pangulo at unang ministro ng Diyos

    Oh maluwalhating San Miguel Arkanghel, prinsepe ng mga angh   s at kapitang heneral ng mga hukbo ng Poong Diyos, sa iyong karangalan at kapangyarihan ay nagtagumpay ka laban sa prinsepe ng kapalaluan na punong si Lusbel na hari at emperador ng sang impeirno. 
       Pinag aamo-amo naming sa iyo ng lubos na paggalang na kamiy tutulungan upang makamtan namin ang kaharian ng Poong Diyos at Ama at huwag talikdan ang aming kaluluwa, at ipagkaloob sa amin kung mangyayari na kamiy mamatay sa malaking pag-big kay Kristo Jesus na namatay sa Krus ng dahil sa amin, Siya Nawa.

Sunday, April 3, 2011

Litanya Nekromansya..To defeat and command evil powers in this world.

ang sumusunod po na post ay naipost ko na ito noon sa huli kong blog na sa windows live. Ito yung sinasabi ko na paglitaw ng isang himalang papel. At sa eksaktong isang taon po, this february 2011, ay pinapaintindi sa akin sa pamamagitan ng isang panaginip ang mga pangalan ng mga dakilang espirito na nakasulat dito. Ang iilan naman sa mga misteryo sa likod nito ay pinapakita sa akin na parang movie sa pamamagitan pa rin ng panaginip.

 

pre-kwaresma

Noong unang miyerkules hanggang byernes po ng buwang ito. Sa bisa ng aking gawain kada unang biyernes ng buwan ay ginanap ko po ang food-fasting ng 3 days. Mahalaga para sa akin ang araw na ito dahil ito ang anniversary din ng pinakaunang food-fasting ko noon. First time ko itong ginawa na nandito ako sa Luzon at syempre doon sa quiapo ako nagspend ng time sa panghuling araw ng pag aayuno.
Everything went fine sa tulong ng mga dakilang espirito at ng Amang makapangyarihan sa lahat ay natapos ko na naman ang pangbuwanang gawain ko. Pero hindi pa nagtatapos ang pagpaparamdam sa akin ng aking mga kaibigang espirito na sa aking akala ay normal na pagfood-fasting lang yaon. Nagdaan na ang sabado at linggo ngunit pagdating ng martes ng umaga. Pagdating ko mula sa pagsisimba sa umagang yaon sa makati kung saan ako nakatuloy ngayon ay tumambad sa aking kwarto ang isang papel (long-sized bondpaper) ngunit kaiba ito sa lahat dahil ito ay napupuno ng mga salitang latin.
HIndi ko alam kung ako’y matuwa o mangilabot sa bagay na lumapit sa akin. Mas nangilabot pa nga ako dito kaysa pagpasok ko sa mga sementeryo. Sapagkat wala naman ibang pwedeng maglagay ng ganun dun sa kwarto at ako lang naman ang pwedeng manghalukay ng mga gamit ko sa aking kwarto.
Binasa ko ang laman ng papel. Binubuo ito ng iba’t-ibang pangalan ng mga banal na tao at mga tago at banal na pangalan ng DIYOS.
Wala lang, share ko lang ito sa inyo. Sulat ko na rin dito para pagtanda ko may mababasa din ako. Nasa Quiapo po ako every friday hangga’t hindi pa po dumating yung visa ko.

Friday, April 1, 2011

nekros kulit!!!!

      Hindi na bago sa akin ang kwentong gayuma dahil ito rin ay isa sa mga bagay na naituro sa akin ng iba’t-ibang matanda na nakasalamuha ko at nagtiwala sa akin ng kanilang mga kaalaman. Nabangit ko na rin sa tambayan ni ka doble noon at isa sa mga rason kaya hindi ako nakadalo sa nakaraang meet-up dahil nacancel ang flight ko. Saturday morn sana ang flight ko ngunit dahil sa sama ng panahon ay namove ito ng sunday morn. Tsk! tsk! tsk! inis nga ako nun, sabi ko sa sarili ko kung bakit ko pa kasi hindi nahingi na ihawi ang ulap noon. Nasisi ko pa ang sarili ko kasi di ako nakatawag sa mga espirito disin sanay napigilan ko pa un.
     Medyo malayo pa ang byahe pag umuwi ako sa amin mula sa airport. 
Kaya naisip ko at talagang gumana ang malikot kung utak ng makita kong isang hot gurl medyo pasozy din at mayaman ang porma na kasama ko ring nacancel ang flight, hehhe! To make the story short, nagpalipad lang po ako ng mainit na hangin sa pagitan ng mata ng dalaga at sa tuktok ng kanyang ulo. Gusto ko sanang idetalye ang mga ritwales ko panu ko xa nakumbinsi at nadala sa hotel kaya lang baka hambog na ang dating saka baka tigasan pa kayo, hehehe!!
     Kaysa naman kasi matulog akong mag isa sa hotel upang hintayin ang flight at naghanap na lang ako ng makakasama.Anyways preho lang naman ang bayd may kasama ako or ako lang ang nag iisa.

     Hindi naman ito isang beses lang na nagamit ko ang ORA sa one night stand talagang pang 24 hours lang kasi after 24 hours ayaw na rin sa akin ng gurl, eh ayaw na ngang magtext,,hehehe! gustong-gusto ko naman.