This blog is a serious effort to help others realize that they have within them the birthless, deathless spirit that has always been and will always be. The author expects seriousness and sincerity from the reader. He expects that co-operation that the believer should at all times be ready to extend. If,however, you are prone to mock at man’s serious duty. If you expect to be entertained, amused or beguiled, my best advice is that you read no further. Close this page, for there will be no joy in it for you. But, if you have faith; if you believe in the Divinity of Humankind, if you believe in the joys of life eternal, if the Celestial symphony sings in your heart.

READ ON. THE TRUTH IS FOR YOU.


Thursday, March 31, 2011

kulam, sakit at kamatayan


      Ang ibabahagi ko po ngayon ay ang isa sa mga taong naatasan ako na tumulong para sa ikabubuti ng kalusugang pisikal at espiritwal ng isang tao.

     Dito sa amin ay may kaibigan akong matanda na nanggagamot na rin ng mga karamdaman siay ang nilalapitan ng mga tao sa mga popular na sakit katulad ng ubo, lagnat, trangkaso, allergy at iba pang sakit na maaring makuha ng tao sa kanyang paligid. Minsan pa nga ay nakagamot sya ng estudyanteng naengkanto. Kakaiba ang kanyang paraan sapagkat hindi sya gumagamit ng medisina sa kanyang panggagamot bagkus sabi nya ay gumgamit lamang sya ng mga oraciones at panawag sa Diyos Ama at kay at sa isang arkanghel. Bago pa man kami nagkakilala ay ito na ang kanyang gawain. Nanghihilot din kasi sya kaya minsan pa nga naging pasyente nya ako sa pagmamasahe. At doon na nagsimula ang aming pagkakaibigan.

     Isang araw lumapit sa kanya ang kanyang kapatid at nagpatulong sa isang kaibigang nakulam. Kaya syempre todo rescue ang kaibigan ko na tawagin na lang nating sa pangalang Tata Jun. Batid ni tata jun na napakabagsik ng kumulam at sinabi niya sa akin at inamin na hindi talaga nya kabisado ang galaw ng kulam at nag aalangan sya dito. (Kumpirmadong kulam po kasi pinadala na po sa St. Luke Hospital sa Luzon at sa San Pedro HOspital ng Davao ay wala pong findings o diagnosis na maibigay ang mga doktor sa pasyente. Ang mga ospital po ito ay kilalang respetado at ilan sa mahuhusay na pagamutan sa ating bansa.     


     Medyo may kaya din kasi yung pamilya ng nakulam.At pang-anim na po ako sa albularyo na nilapitan at sa aming mga pagsusuri ay talagang siniraan po.) 


     Dito kasi sa amin nahati sa 2 division ang espiritwal: isang nasa mediko o panggagamot at ang isa ay sa combate o pakikipaglaban. HIndi sanay sa tata jun sa pakikipaglaban at nagkataon naman na nakilala nya ako na nasa divsion ng combate espirtwal kaya sa walang pagkukusa na tumulong na rin ako. Ginamit ko rin ang ilan sa mga naturo sa akin sa kasamahan sa tambayan (acknowledgement po para kay Ka Tao sa Dilim)

     Unang tira ko lang po sa araw ng martes ay lagapak na po ang kumulam. Inulit ko po sa bernes sapagkat nararamdaman ko na ito ay bumalik at kumuha pa ng kasangga. Medyo pinagpawisan lang po ako buong magdamag at uminit bahagya ang aking likod epekto po nito kinabikasan ay para akong walang tulog ngunit hindi naman ako puyat. Ibig ko pong sabihin medyo pagod po ang aking espiritwal ngunit hindi naman po apektado ang aking pisikal. Ito po talaga kadalasan ang aking nararamdaman sa panahon ng combate.

     At syempre po, ang ending ay panalo po ang kabutihan. Pagkatapos nun, kinabukasan ay wala na akong balita at kontak pisikal sa biktima sapagkat bumyahe ako patungong Luzon ng isang linggo. At habang andun ako sa tagaytay ay nagpaparamdam po ang kumulam sa akin at sabiy "BAKIT KA PA NAKIKIALAM, PINABAYAAN MO NA LANG SANA" Hindi lang po ako kumibo ng sinabi nya yun. Huminto na nga sa pagtira yung mangkukulam. Subalit pagkatapos ng isang linggo ay lumubha na po ang kalagayan ng nakulam.  

     Tinesting ko po at nalaman ko na natural na sakit na ang kanyang nararamdaman, (sapagkat hindi ko po espesyalisayon ang mediko at nagsuggest ako na ipadala na sa ulit sa doktor)kaya binalik ng pamilya sa SAN PEDRO HOSPITAL sa davao ang pasyente at dun na nakita na may sira na ang atay nito. Saka ko lang nalaman na ang pagkasira ng kanyang atay ang after effect ng kulam. Tapos na nga ang pangungulam o sakit na espiritwal  nya ngunit nanatili pa rin ang epektong pisikal nito.


     Ginawa na po ng pagamutan ang kanilang makakaya ngunit sinabihan na ang pamilya na kahit gagastos pa sila ng 30,000 every month ay wala na ring pag-asa ang pasyente na gumaling pa. Kaya nagpasya ang pamilya na iuwi na lang sa kanilang bahay ang pasyente. Eksaktong 3pm inatake na po sa sakit ang pasyente. Kinagabihan pagka 6:30pm ay sinundo po ako sa bahay at kahit pa man hindi pa tapos sa paghahapunan ay pinuntahan ko ang biktima.

     HIndi na pala ito kumakain, hindi na nakatulog at nakapagpahinga at palagi ng balisa sa sakit na nararamdaman. Ginawa ko po ang lahat kong maitutulong sa panawag ng mga banal na espirito at sa patnugot ng Mahal na Ama. Hindi po naglaon ay  dumura, nagsuka, nakatayo, nakapagsalita, umihi na po ang biktima at syempre nakapagpahinga na ang pasyente. 

     Kaya nga lang po hindi na ako pwedeng magtagal sa kanyang tabi sa sabadong iyon kasi linggo kinabukasan ang flight ko pabalik na uli sa luzon. Umalis po ako ng 10pm sa kanilang bahay ngunit hindi po nagtagal pagtalikod ko pala ay naging balisa na ulit ang pasyente at binawian ng buhay sa ganap na ika-11pm ng gabi.

     Sadya nga pong pana-panahon lang ang buhay natin sa lupa. Pag oras mo na ay oras mo na talaga. Kaya’t habang tayo ay nabubuhay gawin natin ang lahat ng mga mabubuting bagay at mamuhay ng matuwid sa lahat ng oras sapagkat minsan lamang tayo at isang beses lang daraan sa mundong ibabaw.

Ipagdasal po natin ang kanyang kaluluwa na sumalangit nawa.

n

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.