This blog is a serious effort to help others realize that they have within them the birthless, deathless spirit that has always been and will always be. The author expects seriousness and sincerity from the reader. He expects that co-operation that the believer should at all times be ready to extend. If,however, you are prone to mock at man’s serious duty. If you expect to be entertained, amused or beguiled, my best advice is that you read no further. Close this page, for there will be no joy in it for you. But, if you have faith; if you believe in the Divinity of Humankind, if you believe in the joys of life eternal, if the Celestial symphony sings in your heart.

READ ON. THE TRUTH IS FOR YOU.


Thursday, March 31, 2011

29th hour

      Habang ang iba ay nakikipagtalo tungkol sa lihim na kaalaman, ang iba naman ay nasa kaibuturan ng pakikipagtalik. Habang ang kalahati ng mundo ay natutulog at kalahati ay gising. Andito ako ngayon sa pang 29 oras na food fasting. Eksakto alas dose na ngayon ng gabi at andito pa rin ako gising na gising na nagpipilantik ng keypad nga aking laptop na nag iisip kung ano kaya ang magandang isulat.
      
      Basically, hindi ko naman talaga naisip na magpost ngayon, kakatapos ko lang magdasal bilang pagkaing espiritwal. Amazing isn't it na magsurvive ang isang tao na hindi kumakain at kunting tubig lamang. Habang nagsusulat ako ngayon, nakasindi pa rin ang insenso na gamit ko sa panawag kanina.

      HIndi katulad ng ibang may alam sa ganitong karunungan excited sila na magpost at makipagshare ng kanilang kaalaman pero iba kasi ako ewan ko at hindi ko mawari mapipili lang ang ilang alam ko na pwede kong maishare alalaon bagay parang may pumipigil sa akin na sabihin ang iilang mga bagay

      Sa katunayan, ang iilan na napost ko rito sa aking blog ay mga ora na hindi gumagana sa akin,,Naipost ko lang baka gagana sa ibang makakabasa.. Well, matawag na rin na mapalad sila pag makagawi sila sa blog ko dahil bihira ko naman na ipapamigay ang link nito.
      
      Unang-una hindi naman ako masyadong nakaconcentrate sa padamihan ng ora. Mas nakapukos ako sa panawag ng mga Makapangyarihang Pangalan ng Diyos at mga pangalan ng mga banal at dakilang espirito, Naniniwala kasi ako na habang palagi mo silang tinatawagan minsan kahit isipin mo lang ang kunting ora o panalangin lang ay maaring matutupad o magawa mo na ang mga bagay na gusto mo at abot ng kaalaman ng nasa sayo o karapatdapat na rin na mapasaiyo. 

     Hindi ako masyadong kumporme ngayon sa panghihingi o pangongopya ng ora kasi mayroon na akong sariling mga dasal na bigay sa akin ng mga nagturo sa akin. Katunayan, basta lang naman ito nagpapakita sa akin sa ibat-ibang paraan.

    Haayyyy antok na ko kailangan ko nang magpahinga trabaho pa bukas...

    Ay syanga pala, pag napagawi man kayo sa blog ko wag kayo magexpect na may makukuha kayong mga ora o dasal dito kung meron man ay bonus na lang yun at napahintulutan ako na ilathala yun. Ang makukuha nyo dito ay mga saloobin at pawang aral lamang abse sa aking experience,,

.....at hindi po gawa gawa kundi TUNAY NA KARANASAN. Pag may nabasa kayo na meron ako o nagawa ko..ito ay talaganga actual na meron ako at nagawa ko at kaya kong gawin.Yan lang ang maiguarantee ko sa inyo.

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.