Ang kwentong inyong matutunghayan ay tunay na karanasan ng isang tao kung meron man itong pagkakahawig sa tunay na buhay ay iginagalang ko sapagkat ito’y maaaring gawin nino man ng may taimtim na pananalig at masasabing nanunuot na sa kanyang kalamnan ang kapangyarihan ng Diyos.
Sa tao ding ito nagsisimula ang ilan sa aking mga aral. Matagal kong pinag-isipan bago i-post ito sa blog sapagkat ayon sa kaugalian ng aral ko ito ay tagong-tago at pinipili lamang ang dapat pagkwentohan.
Ang unang bahagi ng kwentong ito ay naganap sa probinsya ng Surigao del Sur sa pagitan ng 70’s-80’s. Ito ang iilan sa mga kabanata ng buhay ni LOLO JOSE.
Ang bayan noon ng Surigao del Sur at ay pinamumugaran ng mga rebeldeng NPA. Ngunit si Lolo Jose ay isang masugid na tagasuporta sa pamahalaan. Sa mga panahon ng magkaroon ng digmaan ang dalawang grupo at doon sa puntong matatalo na ang militar ay bigla na lang susulpot sa gitna si lolo at makipaglaban sa mga rebelde. Ayon sa kwento bigla na lang hindi tinatablan ang mga sundalo at may kung anong pwersa na lumalakas ang kanilang loob na makipaglaban. Papasok din sa gyera si lolo at makipag-away ng hindi rin tinatablan. Ayon karipas sa atras ang mga kalaban na walang kalaban-laban.
Masyadong nagalit ang mga rebelde kay lolo kaya pinagdiskitahan din nila at hinanapan ng tyempo para patayin. Sa gitna rin naman ng gubat nakatira si lolo kaya……
Isang gabi, habang nag-iisa si lolo sa kubo ay plinano ng mga rebelde ang pagpaslang na palibutan ng mga rebelde ang kanyang kubo ngunit papalapit pa lang ang mga rebelde ay nalaman na nya at naghagis ng isang kahong posporong RIZAL sa labas ng bahay. Pagdating ng mga rebelde para isagawa ang plano ay hindi na sila nakalapit at hindi na itinuloy ang kanilang balak. Sapagkat ng makita nila ang kubo ay may bantay itong humigit kumulang 48 na sundalo na nakagwardiya sa kanyang kubo. Halos insaktong bilang sa mga palito ng isang kahong posporo……itutuloy!!!
Sa aral ay kung sino man ang mapagkalooban ay nakabubuti na kumampi at ang suporta palagi sa pamahalaan.