This blog is a serious effort to help others realize that they have within them the birthless, deathless spirit that has always been and will always be. The author expects seriousness and sincerity from the reader. He expects that co-operation that the believer should at all times be ready to extend. If,however, you are prone to mock at man’s serious duty. If you expect to be entertained, amused or beguiled, my best advice is that you read no further. Close this page, for there will be no joy in it for you. But, if you have faith; if you believe in the Divinity of Humankind, if you believe in the joys of life eternal, if the Celestial symphony sings in your heart.

READ ON. THE TRUTH IS FOR YOU.


Thursday, December 22, 2011

the Purpose Driven Life and the Venom of Tongue

"I must profess I know enough to hold my tongue, but not enough to speak, and the no less real miraculous fruits I have found in my diligent inquiry with the hermits and the olds and the spirits into these arcana, lead me on to such degrees of admiration and serenity, they command silence, and force me not to speak the black for it may lead them to death or fall."




Tuesday, December 20, 2011

Garden Fruit 1- the HOLY TRINITY

"Avoid all companions whose ridiculing of religion is thought witty, and more especially
When the wretched discourse is turned upon the adorable majesty of the most Holy Trinity, which is eternal doctrine believed by Wise Men in all ages." --hanspeare


Saturday, December 17, 2011

Panawag Sa Mga Anghel- sa araw-araw na gawain

Oh, mga Anghel ko na tatawagin, na syang tagakilos sa mga gawain ng Lumikha, maging mapaubaya kayo na sumasaakin sa aking mga gagawin sa mga oras na ito at akoy tulungan na ito ay matapos, at kayo’y maging mapagmasid na tagapagpakinig sa aking mga pangangailangan, na ang diwang ng Panginoong Maykapal at ang kabutihan para sa aking sarili ay uunlad.

[Geniel , Enediel, Amixiel,] Azariel, Gabiel, Dirachiel, Seheliel, Amnediel, [Barbiel,] Ardefiel, Neciel, Abdizuel, Jazeriel, Ergediel, Ataliel, Azeruel, Adriel, Egibiel, Amutiel, Kyriel, Bethnael, Geliel, Requiel, Abrinael, Aziel, Tagriel, Alheniel, Amnixiel.
(ito ay mga Pangalan ng dalawamput-walong anghel  na may hawak ng dalawamput-walong bahay ng Buwan. At ang bawat buwan ay may sariling tagabantay at lider.)

At kung walang “Spiritus Aeris” o spiriting nararamdaman sa dibisyon. Usalin ang mga sumusunod:
Oh, dakila at pinupuring Panginoon, mula sa walang hanggan.
Oh, matalinong Diyos, araw at gabi nagdarasal ako sa Iyo, Oh, maawaing Diyos, na matapos ko ang aking mga gawain sa araw na ito, at ito ay aking maintindihan ng lubosan, sa pamamagitan ng Panginoon Hesukristo, na Syang buhay at namumuno, Syang tunay na Diyos mula ngayon at magpakailanman.
Oh, matapang na Diyos, malakas at walang katapusan.
Oh, makapangyarihan at maawaing Diyos.

+++ Que hoc signum.

Wednesday, April 20, 2011

SAINT RAPHAEL THE ARCHANGEL

Ang Panalangin para kay San Rafael

Si San Rafael ang Mayordomo ng Poong Diyos kaya’t ang taglay nya ay isda at tinapay.

O kamahal-mahalang Arkanghel Rafael kagamutan ng Diyos para sa kagalingan ng mga tao sa lubos na pagpakumbaba ay pinag aamo amo naming sayo na ikaw nawa ay maging tulong at sakdalan ng lahat ng aming kailangan, at gamutin mo ang aming kaluluwa na lipos na sugat ng mga kaslanan at gamutin mo rin ang mga sakit at karamdaman ng aming lupang-katawan upang magkamit kami ng kaligayahn dito sa lupa at sa langit man, Siya Nawa.

MGA LIHIM NA KWENTO SA LIKOD NG BIBLIYA

Ang Pahayag ng ating Panginoong Hesukristo kay Santa Gertrudes ay ganito:


           Yaong ipinainom sa akin na mira at apdong mapait noong ako’y nakapako sa krus, sa mga hirap na aking tiniis noon ang sinumang Kristyano na mag ukol ng Tatlong Sumasampalataya ay tatanggap ng kapatawaran sa nagawang kasalanan. At ang sabi pa nya, ang singsng na ito Gertrudes na galling sa korona ko ay tanggapn mo at pakamahalin at iyong pakaingatan, at ang sinumang Kristyano na magdasal ng Limang Ama Namin at iukol sa aking koronang tinik ay pagkakalooban ko ng lubos na kapatawaran alang-ala sa pag aalaala nya sa mga tinik na bumaon sa aking ulo.
 

Tuesday, April 19, 2011

Ang Lihim na Pag-uusap ng Mahal na Birhen at Panginoong Hesus



Nang mag usap si Jesus at ang Birheng Maria ay narinig ng isang santo na si San Mateo ang pag uusap ng mag-ina. Ang sabi ni Jesus sa ina ay ganito:

Ina mula ng ako’y magkatawaang tao sa mahal mong tiyan at ipagbuntis mo ng siyam na buwan hanggang sa mapako sa krus at ako’y malibing ay alin ang hirap mong dinadamdam sa lahat?

Ang sagot ng Mahal na Birhen ay ganito:

Ang kauna-unahang hirap na aking dinamdam ng labis ay ng hulaan ka ni San Simeon at ipahayag sa akin ang madaling kahirapan mong sasapitin. Ang ikalawa kong hirap ay noong mawala ka ng tatlong araw na hinimatay ako doon sa lansangan ng Amargura, noong kasama ka naming magsimba sa Jerusalem-lalong-lao na nung sabihin sa akin ni Magdalena na nakikita kang nagpapalimos sa mga tindahan at walang maglimos sa iyo isa man, ay yaon pagkalugmok ko sa mga lansangan, at akoy sinakbibi ni Magdalena kaya akoy nakatindig at akoy inakay kung kaya akoy nakalakad, at pati na ang buhok ko’y nagkasabog-sabog at nagkalugay-lugay. Ang ikatlong hirap na aking tiniis ay noong ikaw ay magpaalam sa akin upang sumugba sa madlang kahirapan. Ang ikaapat na hirap ay noong makita kitang hinampas ng mga Judeo ay naglagos sa puso ko’t dibdib ang dikawasang hirap. Ang ikalimang hirap ko ay noong ikaw ay nagpasan ng krus sa mga lansangan ng Jerusalem. Ang ikaanim na hirap na aking tiniis ay noon makita kitang nakapako sa krus sa bundok ng Kalbaryo hanggang sa ikaw ay ihatid sa libingan. Ang kahuli-hulihan at walang katapusang hirap na aking dinamdam at tiiniis ay noong ikaw ay malibing na at ako ay mangulilang lubos sa iyo anak ko.

        Sukat na ina ko sa mga dalita’t hirap mong tiniis, ang sinumang Kristyano na bumati ng Tatlong Ama Namin, Tatlong Aba Ginoong Maria at Tatlong Aba Po Santa Mariang Hari, ay magkakamit ng lubos na kapatawaran sa kanyang pagkakasalang nagawa at makahahango ng labnlimang kaluluwang naghihirap sa purgaturyo at pati ng kanyang mga kamag-anak ay mahahangong lahat sa kahirapan.

Monday, April 18, 2011

Pitong Arkangheles


                                 San Gabriel Arkanghel


       Si San Gabriel ang kalihim ng pangkalahatan na pinagkatiwalaan ng Dios ng mga lihim na gawa, kaya’t ang taglay niya ay Palma at Bandila.

       O mapalad na Arkanghel San Gabriel, tanging sugo O’ embahador ng Kalakilakihang Lumalang ng sansinukob, maging sagisag ka nawa ng aming kaluluwa at mapag-adyang sandata laban sa mga hibo at tukso at yayamang kaw ang tinatawag na katibayan upang kami’y magtagumpay sa lahat naming kaaway at upang mapagtiisan ang lahat ng kahirapan dto sa lupa na baying kahapi hapis na siya naming maging hagdan ng aming pagtungo sa kaluwalhatan ng langit, Siya nawa.