Oh, mga Anghel ko na tatawagin, na syang tagakilos sa mga gawain ng Lumikha, maging mapaubaya kayo na sumasaakin sa aking mga gagawin sa mga oras na ito at akoy tulungan na ito ay matapos, at kayo’y maging mapagmasid na tagapagpakinig sa aking mga pangangailangan, na ang diwang ng Panginoong Maykapal at ang kabutihan para sa aking sarili ay uunlad.
[Geniel , Enediel, Amixiel,] Azariel, Gabiel, Dirachiel, Seheliel, Amnediel, [Barbiel,] Ardefiel, Neciel, Abdizuel, Jazeriel, Ergediel, Ataliel, Azeruel, Adriel, Egibiel, Amutiel, Kyriel, Bethnael, Geliel, Requiel, Abrinael, Aziel, Tagriel, Alheniel, Amnixiel.
(ito ay mga Pangalan ng dalawamput-walong anghel na may hawak ng dalawamput-walong bahay ng Buwan. At ang bawat buwan ay may sariling tagabantay at lider.)
At kung walang “Spiritus Aeris” o spiriting nararamdaman sa dibisyon. Usalin ang mga sumusunod:
Oh, dakila at pinupuring Panginoon, mula sa walang hanggan.
Oh, matalinong Diyos, araw at gabi nagdarasal ako sa Iyo, Oh, maawaing Diyos, na matapos ko ang aking mga gawain sa araw na ito, at ito ay aking maintindihan ng lubosan, sa pamamagitan ng Panginoon Hesukristo, na Syang buhay at namumuno, Syang tunay na Diyos mula ngayon at magpakailanman.
Oh, matapang na Diyos, malakas at walang katapusan.
Oh, makapangyarihan at maawaing Diyos.
+++ Que hoc signum.
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.