This blog is a serious effort to help others realize that they have within them the birthless, deathless spirit that has always been and will always be. The author expects seriousness and sincerity from the reader. He expects that co-operation that the believer should at all times be ready to extend. If,however, you are prone to mock at man’s serious duty. If you expect to be entertained, amused or beguiled, my best advice is that you read no further. Close this page, for there will be no joy in it for you. But, if you have faith; if you believe in the Divinity of Humankind, if you believe in the joys of life eternal, if the Celestial symphony sings in your heart.

READ ON. THE TRUTH IS FOR YOU.


Thursday, March 31, 2011

29th hour

      Habang ang iba ay nakikipagtalo tungkol sa lihim na kaalaman, ang iba naman ay nasa kaibuturan ng pakikipagtalik. Habang ang kalahati ng mundo ay natutulog at kalahati ay gising. Andito ako ngayon sa pang 29 oras na food fasting. Eksakto alas dose na ngayon ng gabi at andito pa rin ako gising na gising na nagpipilantik ng keypad nga aking laptop na nag iisip kung ano kaya ang magandang isulat.
      
      Basically, hindi ko naman talaga naisip na magpost ngayon, kakatapos ko lang magdasal bilang pagkaing espiritwal. Amazing isn't it na magsurvive ang isang tao na hindi kumakain at kunting tubig lamang. Habang nagsusulat ako ngayon, nakasindi pa rin ang insenso na gamit ko sa panawag kanina.

      HIndi katulad ng ibang may alam sa ganitong karunungan excited sila na magpost at makipagshare ng kanilang kaalaman pero iba kasi ako ewan ko at hindi ko mawari mapipili lang ang ilang alam ko na pwede kong maishare alalaon bagay parang may pumipigil sa akin na sabihin ang iilang mga bagay

      Sa katunayan, ang iilan na napost ko rito sa aking blog ay mga ora na hindi gumagana sa akin,,Naipost ko lang baka gagana sa ibang makakabasa.. Well, matawag na rin na mapalad sila pag makagawi sila sa blog ko dahil bihira ko naman na ipapamigay ang link nito.
      
      Unang-una hindi naman ako masyadong nakaconcentrate sa padamihan ng ora. Mas nakapukos ako sa panawag ng mga Makapangyarihang Pangalan ng Diyos at mga pangalan ng mga banal at dakilang espirito, Naniniwala kasi ako na habang palagi mo silang tinatawagan minsan kahit isipin mo lang ang kunting ora o panalangin lang ay maaring matutupad o magawa mo na ang mga bagay na gusto mo at abot ng kaalaman ng nasa sayo o karapatdapat na rin na mapasaiyo. 

     Hindi ako masyadong kumporme ngayon sa panghihingi o pangongopya ng ora kasi mayroon na akong sariling mga dasal na bigay sa akin ng mga nagturo sa akin. Katunayan, basta lang naman ito nagpapakita sa akin sa ibat-ibang paraan.

    Haayyyy antok na ko kailangan ko nang magpahinga trabaho pa bukas...

    Ay syanga pala, pag napagawi man kayo sa blog ko wag kayo magexpect na may makukuha kayong mga ora o dasal dito kung meron man ay bonus na lang yun at napahintulutan ako na ilathala yun. Ang makukuha nyo dito ay mga saloobin at pawang aral lamang abse sa aking experience,,

.....at hindi po gawa gawa kundi TUNAY NA KARANASAN. Pag may nabasa kayo na meron ako o nagawa ko..ito ay talaganga actual na meron ako at nagawa ko at kaya kong gawin.Yan lang ang maiguarantee ko sa inyo.

kulam, sakit at kamatayan


      Ang ibabahagi ko po ngayon ay ang isa sa mga taong naatasan ako na tumulong para sa ikabubuti ng kalusugang pisikal at espiritwal ng isang tao.

     Dito sa amin ay may kaibigan akong matanda na nanggagamot na rin ng mga karamdaman siay ang nilalapitan ng mga tao sa mga popular na sakit katulad ng ubo, lagnat, trangkaso, allergy at iba pang sakit na maaring makuha ng tao sa kanyang paligid. Minsan pa nga ay nakagamot sya ng estudyanteng naengkanto. Kakaiba ang kanyang paraan sapagkat hindi sya gumagamit ng medisina sa kanyang panggagamot bagkus sabi nya ay gumgamit lamang sya ng mga oraciones at panawag sa Diyos Ama at kay at sa isang arkanghel. Bago pa man kami nagkakilala ay ito na ang kanyang gawain. Nanghihilot din kasi sya kaya minsan pa nga naging pasyente nya ako sa pagmamasahe. At doon na nagsimula ang aming pagkakaibigan.

     Isang araw lumapit sa kanya ang kanyang kapatid at nagpatulong sa isang kaibigang nakulam. Kaya syempre todo rescue ang kaibigan ko na tawagin na lang nating sa pangalang Tata Jun. Batid ni tata jun na napakabagsik ng kumulam at sinabi niya sa akin at inamin na hindi talaga nya kabisado ang galaw ng kulam at nag aalangan sya dito. (Kumpirmadong kulam po kasi pinadala na po sa St. Luke Hospital sa Luzon at sa San Pedro HOspital ng Davao ay wala pong findings o diagnosis na maibigay ang mga doktor sa pasyente. Ang mga ospital po ito ay kilalang respetado at ilan sa mahuhusay na pagamutan sa ating bansa.     


     Medyo may kaya din kasi yung pamilya ng nakulam.At pang-anim na po ako sa albularyo na nilapitan at sa aming mga pagsusuri ay talagang siniraan po.) 


     Dito kasi sa amin nahati sa 2 division ang espiritwal: isang nasa mediko o panggagamot at ang isa ay sa combate o pakikipaglaban. HIndi sanay sa tata jun sa pakikipaglaban at nagkataon naman na nakilala nya ako na nasa divsion ng combate espirtwal kaya sa walang pagkukusa na tumulong na rin ako. Ginamit ko rin ang ilan sa mga naturo sa akin sa kasamahan sa tambayan (acknowledgement po para kay Ka Tao sa Dilim)

     Unang tira ko lang po sa araw ng martes ay lagapak na po ang kumulam. Inulit ko po sa bernes sapagkat nararamdaman ko na ito ay bumalik at kumuha pa ng kasangga. Medyo pinagpawisan lang po ako buong magdamag at uminit bahagya ang aking likod epekto po nito kinabikasan ay para akong walang tulog ngunit hindi naman ako puyat. Ibig ko pong sabihin medyo pagod po ang aking espiritwal ngunit hindi naman po apektado ang aking pisikal. Ito po talaga kadalasan ang aking nararamdaman sa panahon ng combate.

     At syempre po, ang ending ay panalo po ang kabutihan. Pagkatapos nun, kinabukasan ay wala na akong balita at kontak pisikal sa biktima sapagkat bumyahe ako patungong Luzon ng isang linggo. At habang andun ako sa tagaytay ay nagpaparamdam po ang kumulam sa akin at sabiy "BAKIT KA PA NAKIKIALAM, PINABAYAAN MO NA LANG SANA" Hindi lang po ako kumibo ng sinabi nya yun. Huminto na nga sa pagtira yung mangkukulam. Subalit pagkatapos ng isang linggo ay lumubha na po ang kalagayan ng nakulam.  

     Tinesting ko po at nalaman ko na natural na sakit na ang kanyang nararamdaman, (sapagkat hindi ko po espesyalisayon ang mediko at nagsuggest ako na ipadala na sa ulit sa doktor)kaya binalik ng pamilya sa SAN PEDRO HOSPITAL sa davao ang pasyente at dun na nakita na may sira na ang atay nito. Saka ko lang nalaman na ang pagkasira ng kanyang atay ang after effect ng kulam. Tapos na nga ang pangungulam o sakit na espiritwal  nya ngunit nanatili pa rin ang epektong pisikal nito.


     Ginawa na po ng pagamutan ang kanilang makakaya ngunit sinabihan na ang pamilya na kahit gagastos pa sila ng 30,000 every month ay wala na ring pag-asa ang pasyente na gumaling pa. Kaya nagpasya ang pamilya na iuwi na lang sa kanilang bahay ang pasyente. Eksaktong 3pm inatake na po sa sakit ang pasyente. Kinagabihan pagka 6:30pm ay sinundo po ako sa bahay at kahit pa man hindi pa tapos sa paghahapunan ay pinuntahan ko ang biktima.

     HIndi na pala ito kumakain, hindi na nakatulog at nakapagpahinga at palagi ng balisa sa sakit na nararamdaman. Ginawa ko po ang lahat kong maitutulong sa panawag ng mga banal na espirito at sa patnugot ng Mahal na Ama. Hindi po naglaon ay  dumura, nagsuka, nakatayo, nakapagsalita, umihi na po ang biktima at syempre nakapagpahinga na ang pasyente. 

     Kaya nga lang po hindi na ako pwedeng magtagal sa kanyang tabi sa sabadong iyon kasi linggo kinabukasan ang flight ko pabalik na uli sa luzon. Umalis po ako ng 10pm sa kanilang bahay ngunit hindi po nagtagal pagtalikod ko pala ay naging balisa na ulit ang pasyente at binawian ng buhay sa ganap na ika-11pm ng gabi.

     Sadya nga pong pana-panahon lang ang buhay natin sa lupa. Pag oras mo na ay oras mo na talaga. Kaya’t habang tayo ay nabubuhay gawin natin ang lahat ng mga mabubuting bagay at mamuhay ng matuwid sa lahat ng oras sapagkat minsan lamang tayo at isang beses lang daraan sa mundong ibabaw.

Ipagdasal po natin ang kanyang kaluluwa na sumalangit nawa.

n

Tuesday, March 29, 2011

KABALISTIKONG PAG-AMPO



Kunsad kanako, O mga gahum sa langitnong gingharian
Nga ang himaya walay katapusan nga mupuyo
sa akong wala ug tuo nga kamot aron maangkon nako ang kadaugan.
Nga ang imong kalooy ug hustisya maghinlo sa akong kalag
aron  mubalik sa daan nga kaputli.
Nga ang pagsabot ug langitnong kaalaman
maghatod kanako didto sa walay katapusang kaharian.

Espirito ni Malkuth, nga gisulay ug nakalampos;
Ihatod ko sa dalan nga matarung
Dalaa ko sa duha ka haligi sa templo,
Kang Jakin ug Boaz, nga magpahulay ako uban nila
Mga anghel sa Netzach ug Hod, HImoa akong tiil nga magmalig-on sa Yesod.
Anghel sa Gedulah, atake, kung kinahanglan pero himoa ako nga magmalig-on,
para mahimo kong angayan sa impluwensya ni Tipheret.

Oh anghel sa Binah, Lamdagi ako.
Oh anghel sa Chokmah, Higugmaa ako
Oh anghel sa Kether, Ihatag kanako ang pagsalig ug paglaum.
Mga espirito sa kalibitang Yetziratic, ipalayo ako sa kangitngit sa Assiah.
Oh Gamhanang Trayanggulo sa Briah nga kalibutan,
Ipakita kanako ug ipasabot ang mga misteryo sa Yetzirah ug Atziluth.

Oh balaang sulat, Shin
Oh ikaw Ishim, tabangi ako pinaagi sa pangalang Shadai.
Oh ikaw Kerubin, hatagi ko ug kusog pinaagi kang Adonai.
Oh Beni Elohim, pakig-igsoon kanako sa pangalang Tzabaoth.
Oh Elohim, ubani  ako sa pakig-away pinaagi sa balaang Tetragrammaton.
Oh Melakim, protektahi ako pinaagi kang Jehovah.
Oh Seraphim, Ihatag kanako ang balaang gugma sa pangalang Eloah.
Oh Chasmalin, lamdagi ako sa mga sulo ni Eloi ug Shekinah.

Oh Aralim, mga anghel sa gahom,
himoa ako nga magmalahutayon pinaagi ni Adonai.
Oh Ophanim, Ophanim, Ophanim,
hinumdumi ako ug ipapuyo sa sangtuaryo.
Oh Chaioth Ha Kadosh, HIlak ug kusog sama sa Agila,
Tingog sama sa Tao, Singgit sama sa Leyon.

Kadosh, Kadosh, Kadosh, Shadai
Adonai, Jehovah, Ehyeh Asher Ehyeh
Hallelu-Jah. Hallelu-Jah. Hallelu-Jah.
Amen. Amen. Amen.

Ang dasal na ito ay una at pasimula sa paggawa ng mga hiwaga at ritwal na Kabalistiko. Ito ay usalin na nakaharap sa dakong silangan na nakataas ang mga mata sa kaitaasan o kaya’t nakaharap sa Kabalistikong Tatak ng Supremong Tertragrammaton. Ito ay pakaingatan sapagkat marami ang naghahanap nito at kayo at nabiyayaang makabasa. Hindi po ito maisalin sa ibang wika sapagkat ito ay manang-mana sa kabalistikong pilipinong bisaya.

Ang Diyos ay sumasaatin!!!